Filipino

Filipino

Ang State Emergency Service (SES) ay isang boluntaryong organisasyon na makakatulong sa iyo sa emerhensya sa baha o bagyo. Hindi mo kailangang magbayad para sa serbisyong ito.

Kung tatawag ka sa 132 500 sa iyong telepono, may mga boluntir mula sa SES na pupunta sa iyong bahay kung ito ay binaha o napinsala ng bagyo. Maaari ka ring humiling ng serbisyo ng interpreter. Ang mga boluntir ng SES ay laging nakasuot ng kulay-orange na uniporme. Sila ay may karanasan sa pagtugon sa mga emerhensya sa baha at bagyo.

Paki-tingnan sa ibaba ang karagdagang impormasyon kung paano mo maihahanda ang iyong pamilya at bahay para sa mga baha at bagyo.

Kung hindi mo naiintindihan ang impormasyong ito, humingi ng tulong sa isang miyembro ng pamilya, kaibigan o kapitbahay.

Mga pangkalahatang mensahe

Maaaring mangyari ang mga emerhensya saanman, sa anumang oras.

Sa pamamagitan ng paghahanda para sa mga emerhensya, maaari mong mabawasan ang epekto ng emerhensya, at mas mabilis na makakabangong muli pagkaraan nito.

Nais naming tiyakin na lahat ng mga taga-Victoria ay handa at alam ang gagawin sakaling maapektuhan ng mga bagyo o baha ang mga pook na malapit sa kanila.

Kung kailangan mo ng interpreter upang tulungan ka sa pang-emerhensyang impormasyon, tawagan ang Translating and Interpreting Service sa 131 450 (libreng tawag) at hilingan silang tawagan ang VicEmergency Hotline (1800 226 226).

Kung may kilala kang isang tao na hindi nakakapagsalita ng Ingles, ibigay sa kanya ang numerong ito.

Mag-ingat pagkaraan ng emerhensya, dahil maaaring mayroon pa ring mga panganib.

Maaaring hindi ligtas para sa iyo na umuwi sa iyong bahay o sa lugar ng trabaho.

Manatiling may kaalaman – subaybayan ang mga babala sa bagyo o baha sa pamamagitan ng VicEmergency hotline (1800 226 226) o sa website ng VicEmergency - https://emergency.vic.gov.au/respond/

Partikular sa Bagyo

Maaaring mangyari ang mga bagyo saanman at sa anumang oras.

Nagdadala ang mga ito ng malalakas na hangin, biglaang pagbaha (flash flooding), malalaking ulang may yelo (hailstones) at kidlat.

Maaaring magsanhi ang mga ito ng malaking pinsala at maglagay sa iyong buhay sa panganib.

Kung kailangan mo ng interpreter upang tulungan ka sa pang-emerhensyang impormasyon, tawagan ang Translating and Interpreting Service sa 131 450 (libreng tawag) at hilingan silang tawagan ang VicEmergency Hotline (1800 226 226).

Magplano ng iyong gagawin at dadalhin, kung kailangan mong lumikas.

Alamin kung paano ihahanda ang iyong bahay at/o lugar ng trabaho, at ang gagawin sa oras ng bagyo sa website ng VICSES – www.ses.vic.gov.au